Napapatulala na lang din si Ayesha habang nakatingin siya sa screen ng laptop niya. Kung iisang tao lang ang nagnanakaw ng pera ng kompanya, bakit? Hindi pa ba sapat ang mga nakukuha nilang sahod at profit? Bakit kailangan pang magnakaw?“Hindi ba nila iniisip na kapag nagkaproblema ang kompanya, damay din sila.” Kunot noong wika ni Ayesha.“Hindi na nila iniisip yan dahil kapag nakaipon na sila ng mga perang nanakaw nila, hindi na nila poproblemahin yun. Pwede silang umalis ng kompanya kung kailan nila gusto.” Sagot ni Kian. Napapahilot na lang si Ayesha sa pagitan ng mga mata niya.Wala namang problema ang kompanya sa ngayon pero kung magpapatuloy na nawawalan ng pera ang kompanya, posibleng maging problema ito sa susunod.“Ngayong alam mo na, we need to know kung sino ang nasa likod ng lahat ng ‘to. Handa ka bang sumama sa akin?” seryosong tanong ni Kian. Napatingin si Ayesha sa kaniya pero hindi pa siya sumagot kaagad. “Alam kong hindi mo pa ako pinagkakatiwalaan pero alam kong ii
Baca selengkapnya