Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa sila nagkikita ni Kian. Hindi na rin pinansin ni Ayesha yun at itinuon niya na lang ang atensyon niya sa mga ginagawa niya. Habang busy si Ayesha na nakaharap sa computer niya ay may kumatok.“Come in,” sagot niya, nananatiling nasa computer ang paningin niya. Pumasok naman ang isang lalaki. Nahihiya pa itong magsalita kaya tiningnan na siya ni Ayesha nang wala siyang marinig na boses.“Oh Nick, do you need something?” tanong niya sa director ng marketing. May mga dala pa itong drinks at food.“May ipapapirma lang sana ako sayo ma’am Ayesha saka bumili na rin ako ng mamemeryenda mo.” Nahihiya nitong wika. Isa si Nick na may gusto kay Ayesha pero nahihiyang lumapit at umamin dahil tila ba hindi siya pasok sa standard ni Ayesha pagdating sa lalaki.“Nag-abala ka pa pero salamat, Nick, saka don’t call me ma’am. Pareho naman tayong director.” Nakangiting wika ni Ayesha. Bihira pumasok si Nick sa office ni Ayesha dahil nahihiya siya kaya ang mada
Baca selengkapnya