Saglit na natingga ang utak ni Ramses sa narinig mula sa babaeng bisita. Did she just say divorce his wife? Kungsabagay, lumaki ito sa naiibang kultura at sistema. Ang kasal na sobra kung pahalagahan dito sa bansa, doon sa pinanggalingan nito ay kapiraso lamang ng papel na kumukupas. Isang kontratang limitado at natatapos."Your brother told me that you are going to be very busy because of the campaign period. I can help you. I will be your personal model and endorser," masigla nitong boluntaryo at kumapit sa braso niya.Umiling siya at pilit iwinaksi ang kamay nito sa kanyang bisig. Tinunton niya ang hagdanan. Vhendice must be in the control room. Pupuntahan niya ang kapatid para kunin ang schedule niya at nang masimulan na siyang asikasuhin ang tambak na appointment na kanyang iniwan."Ram, hey! You butcher! Don't ignore me!" umaangal na atungal ng dalagang bumuntot sa kanya."Don't have time for you, George. If you wanted to stay, suit yourself.""No! Talk to me, Ramses. You coward
Baca selengkapnya