Bahagyang ngiti ang sumilip sa mga labi ni Alexial habang nasa ilalim ng malakas na buhos ng shower. Itinuon niya ang mga kamay sa tiles sa harap niya at pinukol ng tingin ang laminated picture ni Julie sa dresser. She agreed to be his pretend girlfriend. That's fair enough. Doon din naman sila nagsimula at kung dati ginawa nito ang lahat para tanggapin niya ang pagmamahal nito, ngayon siya naman ang gagawa ng paraan para matanggap siya nito sa kabila ng kanyang nakaraan.Hinablot niya ang tuwalya at ibinalot sa baywang pababa. Lumabas siya ng banyo. Hindi tumitigil sa kaka-ring ng cellphone niya na nasa kama. Dinampot niya iyon. Unregistered number?"Alex here," sinagot niya ang tawag."Ako ito, Alex," mahina at halatang kabado ang babaeng nagsasalita sa kabilang linya."Julie," anas niya. "Kung tumawag ka para tanggihan ako-""Hindi, Alex. May kailangan akong sabihin sa iyo. Pasensya ka na kung hindi ko kayang sabihin ito ng harapan kaya rito na lang sa phone." Her voice is breaking
Magbasa pa