Tumabi si Melanie at tila noon lamang napansin ni Ramses na nandoon siya. His empty eyes followed her shortly but then drifted back towards Valeen with all those gentle emotions that are intended only for that girl. Humakbang ang binata. Maingat. Kalmado. At maagap nitong sinalo ang dalagang humahagulgol nang tuluyang mawalan ng lakas."Stop crying, please. Val, pag-usapan natin kung mayroon kang hindi nagustuhan sa ginawa ko," samo nito."W-wala, Ram. Wala kang ginawang mali," hirap na bigkas ni Valeen at sumubsob sa dibdib ng lalaki.Hindi niya alam kung paano niya nakayang manatili pa rin doon at panoorin ang dalawa na magkayakap. Ang eksena ngayon ay parang karugtong lang sa nakita niya kagabi. Eksenang tiyak na dudurog na naman sa kanya ng palihim.Hindi siya masokista at lalong hindi siya tanga. She knew when to set limits. Pero kung tatakbo siya, para na rin niyang inamin na umiibig siya kay Ramses. Gusto niyang patunayan na kaya niyang bumalik sa dating siya at isiping nakulon
Mehr lesen