Pumitlag si Julie na nakahilata sa kama at kinuyog ng nerbiyos matapos umalingawngaw ang putok ng baril mula sa kabilang silid. Kakapag-kapag na bumangon ang dalaga pero sumimplang siya pababa sa sahig nang sumabit sa kumot ang paa niya. Hindi alintana ang masakit na balakang, kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto kahit hubo't hubad pa rin.Anong putok iyon? Si Alex? Nasaan ang binata? Binalya niya ang pintuan ng guest room at nasumpungan ang lalaking nakasalampak sa sahig. Duguan ang kaliwang hita.She stiffened, realizing what he just did. Binaril nito ang sarili? Nanlambot ang mga tuhod niya at hindi nakatulong ang pagkapit niya sa hamba ng pintuan para pigilan ang kanyang pagbagsak."Not enough," sambit ni Alexial na itinutok ang hawak na baril sa kanang hita naman."Anong ginagawa mo? Stop it!" she screamed on top of her lungs with her voice cracking in terror. "No, please...don't! No more hurting yourself, please..." Humagulgol siya at dahan-dahang gumapang sa sahig. Takot n
Magbasa pa