SOLARA’S POV:“Stop making a scene, Isabelle. Nakiusap lang ang ama mo, kaya ko ginawa ito. I don’t want my woman to get mad at me.”Malamig ang boses niya ngunit kontrolado, pero may halong babala. Kasabay nito ay ang makahulugang tingin na ipinukol niya sa akin.Parang biglang natahimik ang buong paligid.Ang mga taong kanina lang ay nag-uusyoso, ngayon ay tila napako sa kinatatayuan. Walang gustong magsalita. Walang gustong makialam. Tila ba natakot sa presensya ni Draven.“And you…” dagdag niya, nananatili ang tingin sa akin, seryoso at tila tumatagos sa kaluluwa ko. “What are you doing here, Solara?”Dahan-dahan kong inangat ang baba ko. Hindi ako natatakot sa mga tingin niya. Kung nagagawa niyang matakot ang iba, pwes ako ay hindi magpapadaig sa kanya.“My dad was invited,” malamig kong sagot. “He couldn’t make it, so I came instead.”Tinaasan ko pa siya ng kilay, sinadya kong iparamdam na wala siyang karapatang magtanong.Kita ko kung paano umigting ang panga niya.At sa isang
Last Updated : 2026-04-13 Read more