SOLARA'S POV:Nag-uumpisa na kaming makaramdam at mabuo ang init at tensyon sa loob ng kwarto nito ngunit biglang may kumatok sa pintuan.“Mom, Dad? They told me you’re already home. I’m waiting for you, come on, let’s eat,” saad ng anak ko mula sa labas ng kwarto.Napapikit si Draven at halatang bitin.Dahilan para mapangisi ako. "Bitin? Masakit ba sa puson?"Sinamaan niya lang ako ng tingin, ngunit ipinag-kibit-balikat ko lamang ito.“Magbibihis lang ako, Draexis. Hintayin mo kami sa dining area,” saad ko rito.Saka ko muling isinuot ang maroon na night gown at ang robe.“Okay, mom. I’ll wait for you,” tugon niya, saka ko narinig ang papalayo nitong mga yabag.Nagbihis na rin si Draven, saka kami sabay na bumaba sa kusina. Nadatnan namin na inihain na ng kasambahay ang hapunan.“What did you do? Why are you taking so long?” tanong ni Draexis, halata ang pagtataka sa mga mata nito.Pinamulahanan ako ng mukha nang maalala ang nangyari, saka napalunok-laway. Pagbaling ko sa lalake na k
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-22 Mehr lesen