SOLARA’S POV:Dahan-dahang bumaba ang halik niya mula sa labi ko pababa sa leeg ko. Marahan ngunit puno ng pangungulila, parang bawat dampi ay may dalang mga pananabik sa mga panahon na hindi kami magkasama. Napapikit ako, hindi lang dahil sa kiliti kundi dahil sa init na unti-unting kumakalat sa buong katawan ko dulot ng halik nito.“D-Draven…” halos pabulong kong saad, walang lakas para pigilan siya dahil gusto ko rin naman ito.Saka bumaba ang kamay niya sa baywang ko, matatag, mapang-angkin at ramdam ko ang init galing sa kamay nito. Hindi nagmamadali si Draven, parang sinasadya niyang iparamdam sa akin na narito siya, na totoo siya, na ligtas ako sa mga bisig niya kahit sandali lang.“I know you’ve been carrying too much these past months,” paos na bulong nito sa pagitan ng balat ko. “Let me take that away… even just tonight.”Napakapit ako sa balikat niya saka hinarap niya ako sa kanya. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang ako lang ang nakikita niya na pinakamaganda sa buong mu
Last Updated : 2026-04-26 Read more