SOLARA’S POV:Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin. Hindi ko rin naman sinubukang alamin. Wala akong ganang makipag-usap, wala akong gana makipagtalo, at lalong wala akong gana makipag-ayos sa lalakeng katabi ko. Tahimik ang buong byahe. Tanging tunog lang ng makina ng sasakyan, ang mahihinang ugong ng gulong sa kalsada, at paminsan-minsang pagbusina ng ibang sasakyan ang maririnig mo. Kahit si Draexis na kadalasan ay matanon, tila naramdaman ang bigat ng hangin sa loob ng kotse.“Mom…” mahina niyang tawag, halos nag-aalinlangan.Agad akong napatingin sa kanya. Nasa passenger’s seat siya, ang pwesto na dapat ay akin. Pero mas pinili kong ilayo ang sarili ko. Mas ligtas doon. Mas payapa. Mas konti ang posibilidad na magkasagutan na naman kami ni Draven. Ayokong mangyari yon lalo na kung naririnig ni Draexis.“Yes, baby?” malambing kong sagot, pilit pinapakalma ang sarili.Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang nag-aalala. “Why are you so quiet? Are you okay?”May kung anong ku
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-28 Mehr lesen