Maeve, nasabi ko na pala sa may-ari ng bar ang tungkol sa pagpasok mo doon. Sabi naman niya, puwede ka nang magsimula anytime basta sabihan lang siya," bungad sa akin ni Jessica matapos itong makapasok sa aming silid. Kay Sir Soren din kasi ang klase namin ngayon kaya naman maaga pa lang ay magkasama na kaming dalawa."Salamat ha, puwede kaya sa Friday ako magsimula?" nag-aalinlangan ko pang sabi."Oo naman. Basta sabihan mo ako. Tamang-tama, may rason na ako para pumunta sa club," excited pang sabi nito."Saka pala, puwede kaya doon na weekend lang ako o kaya 'pag wala tayong pasok kinabukasan? Kasi 'di ba bar 'yun, gabi hanggang madaling araw ang trabaho," ani ko pa.Isang ngiti naman ang isinagot ni Jessica sa akin kasabay ng marahan niyang pagtapik sa aking balikat. "Ako ang bahala, puwede 'yun," sabi pa niya.Nang pumasok si Soren sa aming silid ay naputol naman ang aming pag-uusap. Gaya ng dati, sa loob ng unibersidad ay isang striktong propesor si Soren. Ni hindi rin kami nag-u
Read more