Maaga akong umalis at nagbilin na lang sa isang kasambahay ni Soren na sabihin kay Mama na papasok na ako sa university. Bukod kasi sa ayaw kong makita si Soren ay ayaw ko ring makasabay silang dalawa sa pagkain, lalo na at alam kong ipagpipilitan na naman ni Mama na sumabay na lang ako palagi kay Soren sa pagpasok, lalo na nang malaman nito na sa isang university lang kami nagpasok.“Oh, anong nangyari sa iyo? Ang aga-aga mukha kang hagard?” taklesang tanong ni Shantal, isa sa mga kaklase ko na naging malapit ko na ring kaibigan bukod kay Jessica.Tulad ko ay galing rin siya sa simpleng pamilya at walang tigil sa pagtatrabaho para mapaaral lang ang kanyang sarili, lalo na at hindi naman siya scholar dito sa university. Ngunit magkagayon man ay hindi pa rin mawawala sa kanyang mukha ang sigla at saya sa tuwing magkikita kami, na tila ba kahit pagod na pagod na siya sa kanyang trabaho ay buong sigla pa rin siyang pumapasok araw-araw.“Wala… puyat lang,” simpleng sagot ko na lang dahil
Read More