“Okay ka na ba talaga? May gusto ka bang kainin o inumin? Anton said that pregnant women usually have some cravings. Maybe we can buy it first before we go home," mahinahong wika ko kay Maeve matapos siyang bahagyang kumalma matapos ang kanyang pag-iyak kanina lang.Kahit papaano naman ay nakakausap ko na siya kumpara kanina na talagang tahimik lang siya magmula pa nang nasa ospital kaming dalawa.“I… uhm, gusto ko ng bayabas…” nahihiyang sabi pa niya habang nilalaro ang kanyang mga daliri. “May nakita ako kanina noong papunta tayo sa hospital, malalaking bayabas 'yon kaya parang nanubig ang bibig ko kanina,” dugtong na paliwanag pa niya, hindi pa rin nasasanay sa biglaan niyang pagkagusto sa pagkain dahil sa kanyang pagbubuntis.Marahan ko naman siyang kinabig at ginawaran ng magaang halik sa gilid ng kanyang ulo. “It’s okay, you don’t need to explain. We will buy that big guava of yours, okay? Just tell me where you saw it para mabili natin agad,” ani ko pa sa kanya dahilan upang gu
Magbasa pa