Atticus Soren CastilloApat na taon. Apat na taon na ang lumipas mula nang mangyari ang mga bagay na tuluyang nagbago sa buhay naming mag-asawa. Marami nang nagbago sa amin simula noon. Mas naging abala ang buhay, mas dumami ang responsibilidad, at higit sa lahat, mas lumaki ang pamilya namin.Ngayon, anim na taong gulang na si Axel at malapit nang maglimang taong gulang si Mira.At habang nakaupo ako sa loob ng malaking auditorium ng university, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang babaeng nasa kabilang bahagi ng entablado.Si Maeve. Ngayong araw, hindi ako narito bilang professor ng university na ito. Narito ako bilang asawa niya. Bilang taong nakasaksi sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya para makarating sa araw na ito. At bilang isang asawang walang ibang maramdaman kundi labis na pagmamalaki.Nasa tabi ko sina Maricel at Anjo. Pareho silang halatang kinakabahan at excited. Sa kabilang bahagi naman ay nakaupo ang aming dalawang anak.Halos hindi mapakali si
더 보기