"Ma, alis na po ako ha. Maaga pa po kasi ang pasok ko," mahinang sigaw ko habang nagtatali ng sintas ng aking sapatos. Si Mama naman ay saktong lumabas rin sa kanyang silid kaya naman naabutan niya ako sa ganoong tagpo."Anong oras ba ang klase mo, Maeve? Dapat ay sinabi mo sa akin para nakapagluto man lang ako ng umagahan mo," may pag-aalalang sabi pa nito.Nakangiti naman akong tumayo at naglakad papunta rito. Hinawakan ko rin ang kanyang mukha na gaya na parati kong ginagawa, partikular na ang nunal nito sa may ibaba ng kanyang mata, na kaparehong-kapareho ng sa akin."Wag ka nang mag-alala, Ma. Nakapagluto na po ako at may baon pa," ani ko sabay taas pa ng baunan kung saan nakalagay ang pagkain ko at ganoon na rin ang kay Sir Soren. "May natira na rin pong pagkain sa may kusina kaya hindi mo na kailangan pang magluto. Alam mo naman na ayaw kong napapagod ka," dugtong ko pa."Ikaw talagang bata ka, lahat na ay inagaw mo sa akin. Ito na nga lang ang nagagawa ko para sa’yo, inaagaw m
Read more