Mabilis umakyat ang elevator, ding, fifth floor.Nauna lumabas si Isla, buhat si Nathalia sa balakang. Nakayakap ang bata sa leeg niya, tumatawa habang itinuturo ang makukulay na ilaw sa hallway.“Doon, mommy! Fish!” malabo pero masiglang sabi ng bata, tinuturo ang direksyon ng restaurant na may maliit na aquarium sa labas.“Okay, okay, doon tayo, ” natatawang sagot ni Isla.Sa likod nila, maingat na sumunod si Marcus. Hawak niya ang maliit na backpack ni Nathalia at, saglit, hinila niya ang manggas ni Isla para ilayo ito sa paparating na service cart.“Sandali, may dadaan, ” sabi niya.Bahagyang napahawak si Isla sa braso niya para umiwas. Sa loob ng sightseeing elevator, nakatanaw si Lucas sa likod ng salamin.Dahil salamin ang likod na bahagi, bahagyang kita ang hallway sa labas. Sa repleksyon, malinaw ang tatlong pigura.Ang lalaking maingat magbuhat ng bata.Ang batang kampante sa mga bisig niya.At si Isla, naglalakad sa tabi nila, bahagyang nakangiti, parang wala ni
Read more