Pagdating nila sa bahay ni Luca, lalo pang sumimangot ang lalaki dahil sa sobrang likot ni Andrea. Pagpasok pa lang niya sa front door, buhat-buhat ang dalaga sa kanyang mga bisig, nagpupumiglas na ito na parang batang ayaw maligo. Nakahilig ang ulo nito sa balikat niya, at panay ang hatak ng mga daliri sa kwelyo ng damit niya.“Luca, ang bango mo,” bulong ni Andrea, amoy alak ang hininga na may halong matamis. “Anong pabango ‘yan? Gusto ko ‘yan. Bigyan mo ako.”Napabuntong-hininga si Luca. Inayos niya ang bigat nito sa kanyang mga braso at naglakad papunta sa hagdan. “Andrea, stop moving. Mahuhulog tayong dalawa.”“Eh kasi ang tigas ng katawan mo. Hindi ka comfy.” Tumawa siya nang mahina at isinandal ang pisngi sa dibdib nito. “But I like it. Ang strong mo.”Hindi siya sumagot. Patuloy lang siyang naglakad, nakaigting ang panga. Masyadong tahimik ang bahay. Normally, sa ganitong oras, may mga staff na gumagalaw sa paligid. Pero tonight, wala. Tanging yabag lang ng sapatos niya sa mar
続きを読む