Natapos ang meeting makalipas ang ilang minuto. Isa-isang lumabas ang mga tao sa conference room, abala pa rin sa pag-uusap tungkol sa team building. Si Luca naman, nanatili sa harap, kunwaring tinitingnan ang mapa sa whiteboard.Narinig niya ang mga yabag sa likod niya.“You did not have to do that, you know,” sabi ni Andrea.Hindi siya lumingon. “Do what?”“Provide the tents. Lindon was already going to buy one for us.”“I know.”“So why did you stop him?”Doon lang siya humarap. Nakatayo si Andrea ilang hakbang lang ang layo. Naka-cross ang mga braso nito, bahagyang nakatagilid ang ulo, nakatingin sa kanya gamit ang malalaki niyang mata.“Because I am the boss,” sabi ni Luca. “And I make the decisions.”“That is not the real reason.”“It is the only reason you are going to get.”Lumapit si Andrea. Huminto siya sa distansyang kaya na niyang abutin si Luca. Hindi siya humawak. Pero kaya niya.“You are jealous,” diretso niyang sabi.Napatawa si Luca, pero maikli lang. Walang saya. “I a
続きを読む