Hindi ko alam kung anong mas nakakabaliw, yung mga mata ng tao na nakatingin sa amin… o ‘yung braso ni Tukmol na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.“Pwede mo na bang bitawan ako,” bulong ko habang pilit na ngumingiti sa mga taong dumadaan.“Hindi pa,” sagot niya, kalmado.“Bakit? Tapos na yung eksena mo ah.”“Hindi pa tayo tapos.” sagot niya pa kaya parang gusto ko nalang palipitin ang kamay niya, pero hindi pwede.Maya maya pa ay nakita kong palapit nanaman iyong babae kanina, at nakangiti itong nakatingin kay Tukmol.“Axel!” agad niyang sabi ng makalapit siya.“I just came back ‘coz you didn’t introduce her to me. Care to introduce her?” ngiti niya, pero halatang fake naman.Tumingin naman bigla si Tukmol sakin, kaya tinaasan ko ito ng kilay.“This is Marriane” simpleng sagot lang niya.Ewan ko kung bakit… pero parang may kung anong bumigat sa dibdib ko.“Just Marriane?” tanong ng babae at halata ang wagi sa ngiti niya“For now.” ani Tukmol at hinila pa ako palapit
Read more