Hindi ko alam kung anong oras ako tuluyang nakatulog kagabi. Ang alam ko lang… pagka-ring pa lang ng alarm ko kaninang madaling-araw, sinalubong agad ako ng isang pamilyar at mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi ito dahil sa galit. Hindi dahil sa nairita ako sa kaniya kagabi. Kundi dahil sa isang uri ng katahimikan na hindi ko maintindihan. At bigat na rin ng kalooban dahil hindi man lang siya natulog sa tabi ko kagabi.Pagbaba ko sa malawak na dining area ng mansiyon, nadatnan ko silang naroon na.Si Mamay, abala gaya ng dati sa pag-aayos ng mga nakahaing almusal. Si Lola Trina, pormal na nakaupo sa kaniyang kabisera habang dahan-dahang hinahawakan ang tasa ng mainit na kape. At si Trevor, naka-lean sa kaniyang silya, tamad na tamad na nagtitipa sa kaniyang cellphone habang hinihintay ang pagkain."Good morning," bati ko sa kanila, pilit na pinatunog na masigla ang aking boses para hindi nila mahalata ang bigat na dala ko."Good morning, anak," masayang sagot ni Mamay, luming
Leer más