Pagdating namin sa beachfront, halos mapasinghap ako nang malalim sa ganda ng tanawin na sumalubong sa amin. Kung maganda ang resort sa umaga, tila ba nagbago ang buong mukha nito ngayong gabi.Sa mismong gitna ng malawak at puting buhangin ay may isang dambuhalang bonfire na unti-unti nang lumalaki at sumasayaw ang apoy, nagpapadala ng mainit at gintong liwanag sa paligid. Nakapalibot dito ang mga rustic na kahoy na upuan, habang ang mga fairy lights na nakasabit sa pagitan ng matatayog na puno ng niyog ay tila mga bituing bumaba sa lupa. Sa kabilang bahagi ay ang mahabang buffet table na nag-aanyaya dahil sa bango ng mga inihaw na karne, sariwang seafood, makukulay na desserts, at iba't ibang inumin.Sa isang sulok, malapit sa may dalampasigan, isangacoustic band ang marahang tumutugtog ng mga mellow OPM love songs, ang tunog ng gitara ay sumasabay sa indayog ng mga alon.Ang buong paligid ay buhay na buhay, puno ng init at tawanan. May mga batang malayang tumatakbo sa buhangin, mga
Leer más