Masakit ang ulo kong bumangon sa higaan, buti na lang pag uwi ko kagabi ay tulog na si Mamay, kung hindi ay malilintikan talaga ako pag naamoy niya akong amoy alak. Pag labas ko ng kuwarto ko ay naabutan ko si Mamay na nagluluto ng sinangag, may nakalapag na rin sa hapag na piniritong itlog at longganisa. “Good morning, Mamay.” bati ko kay mamay at diretsyo agad ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Pag tapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay nagpunas ako ng mukha tsaka ako lumapit kay Mamay at kiniss ito sa pisngi. “May kasalanan ka no?” bigla nitong sabi sakin habang yung tingin niya ay para bang may kailangan siyang malaman, kahit wala naman. “Bawal ba maglambing, ma? pag naglalambing ba otomatik na may kasalanan?” nakabusangot kong sabi na ikinatawa ni Mamay. “Aynako, kumain na lang tayo at sigurado ako na napagod ka kagabi sa trabaho mo” ani mamay, kaya naman pasimple akong napakagat sa labi ko. “H-hindi naman po masyadong pagod ma, hehe” pag sisinungaling k
Last Updated : 2026-03-05 Read more