MALAMIG at tahimik sa loob ng executive suite ng Apex Global Enterprises sa Fort Bonifacio. Ang Apex Global, ang pangatlo sa pinakamalakas at pinakamayamang conglomerate sa buong Pilipinas, kasunod lang ng Villareal Global Group at Zamora Group. Sa loob ng malawak na corner office, abala si Bianca sa pag-aayos ng mga folder at ipad sa ibabaw ng mahabang glass desk. Nakasuot siya ng saktong tailored pencil skirt at corporate blazer. Mula nang makipaghiwalay sa kanya si Clyde, matapos nitong marealize na si Yumi pala ang totoong mahal nito at hindi siya, napilitan si Bianca na bumalik sa corporate world at magsimula ulit. Ginamit niya ang lahat ng kanyang credentials at galing sa pananalita para makuha ang posisyon bilang Executive Assistant ni Art Mendez, ang kilalang Vice Chairman ng Apex Global. Akala ni Bianca, madodominahan niya pa rin ang buhay. Akala niya, kahit pinalayas siya ni Clyde, mas magiging maayos ang estado niya kaysa sa babaeng pinalitan niya noon. Para sa kanya, si
Leer más