Share

Chapter 202

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-10-24 20:33:55

"Kendra, nasaan si Snow?" kumunot ang noo ko nang pagbalik ko sa labas, dala-dala ang fried chicken na kakatapos lang maluto sa loob, ay wala roon si Snow sa garden.

Nakaupo si Kendra sa picnic mat at naglalaro mag-isa, mukhang hindi pa napapansin na wala ang kaniyang kaibigan sa tabi niya. Napalinga-linga si Kendra sa magkabila niyang gilid bago napatayo mula sa pagkakaupo.

"Hindi ko po alam, Ma'am Sophia. Pero... narito lang siya kanina. Magkausap lang kami," pagdadahilan nito.

Inilapag ko sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 205

    "Ma'am, ihahatid ko na po ba ito kina Snow at Kendra?" tanong ni Luningning habang bitbit ang tray na may dalawang baso ng gatas.Sinulyapan ko si Tyler doon sa garden na abala pa rin sa cellphone, kausap si Anya para sa paparating nilang business expansion conference. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa countertop. "Ako na ang maghahatid sa kanila niyan," sagot ko at kinuha kay Luningning ang tray.Nagplano talaga kami na mag-stargaze ngayong gabi matapos manood ng pelikula sa labas. Pero dahil namamaga ang tuhod ni Snow at nahihirapan siyang maglakad, pinagpahinga ko na lang silang dalawa. Baka lumala pa iyon kung igagalaw niya nang husto at mapilitan siyang umuwi sa Sta. Fe bukas na pilay pa mandin.Pumanhik ako sa itaas at tinungo ang guest room kung saan sila matutulog. Pagtapat ko sa nakabukas nang bahagya na pintuan, napatigil ako nang marinig ang usapan nila sa loob."Paano kung tumawag na siya kay Father Dan, Snow? Tapos sinabi na ni Ma'am Sophia sa kanila ang ginawa natin di

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 204

    ROWANMatapos tawagan ni Clinton ang dati niyang naging kliyente at may gusto sa kaniya na nakatira rin sa loob ng eksklusibong subdivision kung saan narito ang bahay nina Sophia at Tyler, madali kaming nakapasok.Habang abala ang security guard sa pagtatanong kay Clinton, kunwari ay may kausap ako sa cellphone at nakayuko roon para hindi mapansin ang mukha ko. Nang bumukas na ang gate at makumpirmang bisita kami ng isa sa mga residente roon, pinaharurot agad ni Clinton ang sasakyan palayo sa guard house.Napangisi ako at ibinaba ang cellphone na hawak ko mula sa aking tainga."Just make sure na hindi tayo rito magtatagal. At hindi ka rin pwedeng makita ng kahit sino na malapit sa bahay nina Sophia," paulit-ulit na bilin at sermon sa akin ni Clinton habang nakatuon ang paningin sa kalsada.Napatawa ako nang mahina at tinapik ang balikat niya dahil masyado siyang nanginginig sa kaba. "Chill, pare. Wala akong balak magpahuli. Hindi ako magpapakita kay Sophia ngayon. Hindi pa sa ngayon."

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 203

    "Tyler..." tawag ko kay Tyler habang tumutulong siya sa akin na i-set up ang airbed.Tapos na kaming mag-dinner. Nakapagligpit na rin ang mga kasambahay sa aming kinainan dito sa garden. Naroon naman sa itaas sina Snow at Kendra sa guest room para mag-shower at magpalit ng kanilang mga damit pampatulog.Sinulyapan ako ni Tyler bago pinagpag ang airbed, tinitingnan kung may sapat na hangin pa ba sa loob nito."Ang sabi ni Snow kanina, may tao raw na sumisilip sa labas ng gate. Pero nang tanungin daw niya ito kung anong kailangan, bigla raw umalis," pagsusumbong ko sa kaniya.Hindi namin malalaman kung sino iyon dahil walang CCTV sa labas ng main gate. Ipinaalis ko iyon noong mga panahon na nahulog si Rowan sa cliff limang taon na ang nakararaan. Naniniwala kasi ako na buhay pa siya. At babalikan niya ako. Pero alam kong hindi siya magpapakita kung alam niyang may nakabantay na mga pulis o CCTV sa labas. Kaya sa loob lang ng bahay may mga tago at maliit na camera.Gusto ko sanang itanon

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 202

    "Kendra, nasaan si Snow?" kumunot ang noo ko nang pagbalik ko sa labas, dala-dala ang fried chicken na kakatapos lang maluto sa loob, ay wala roon si Snow sa garden.Nakaupo si Kendra sa picnic mat at naglalaro mag-isa, mukhang hindi pa napapansin na wala ang kaniyang kaibigan sa tabi niya. Napalinga-linga si Kendra sa magkabila niyang gilid bago napatayo mula sa pagkakaupo."Hindi ko po alam, Ma'am Sophia. Pero... narito lang siya kanina. Magkausap lang kami," pagdadahilan nito.Inilapag ko sa lamesa ang tray ng mga manok bago tuluyang lumapit sa kaniya."Snow!" tawag ni Kendra, sumilip pa ito sa likod ng malalaking halamanan sa gilid, iniisip na pinagtataguan siya ng kaibigan pero wala roon ang bata. Maging ang ilalim ng lamesa ay hindi rin nakaligtas sa paghahanap niya.Nasaan na ba ang batang iyon?"Snow?" nagsimula na rin akong tumawag at maghanap sa paligid ng lawn.Mula roon sa simula ng pathway papunta sa main gate ng aming bakuran, nakita namin si Snow na dahan-dahang naglala

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 201

    ROWANMalungkot at hindi nagsasalita si Elode habang naglalagay ng ilang mga damit sa backpack ko.Ngayon ang araw ng pagbalik ko sa Maynila. Pero ang paalam ko kina Elode at Camilla ay dadalawin ko ang kapatid ko doon, at mananatili ako nang isang linggo. Nakahuli kami at ng iba pang mangingisda kahapon ng anim na malalaking tuna at naibenta iyon sa mga Japanese na naghahanap ng sariwang huli, kaya naman may perang magagamit ako sa pagluwas. May pera ring maiiwan dito sa bahay na magagamit ni Elode habang wala ako.Tinapos ko ang pagsisintas ng sapatos ko bago siya nilapitan. Tumabi ako sa kaniya at hinapit ang kaniyang bewang."Huwag ka nang malungkot. Isang linggo lang naman ako mawawala. Babalik din ako kaagad," panunuyo ko sa kaniya.Gusto niya kasing sumama sa akin para raw makilala ang kapatid na tinutukoy ko. Wala pa raw siyang nameet sa personal na pamilya ko sa loob ng limang taong pagsasama namin. Ang kwento ko naman sa kaniya, sa Uncle ako lumaki sa Bicol kasama ang kapati

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 200

    "Luningning, nasaan ang mga strawberry rito?" kunot-noong tanong ko sa kasambahay namin habang nakapameywang sa harap ng mahabang lamesang nakaset-up sa garden.Narito ang lahat ng mga paboritong pagkain nina Snow at Kendra, lalo na ang mga sariwang strawberry na gustong-gusto raw kainin ni Snow. Sabado ngayon, at ito ang unang pagkakataon na dadalaw ang dalawang bata rito sa bahay. Noong umalis kami ng Sta. Fe ni Tyler nakaraang linggo, pormal naming ibinalita sa kanila ang plano naming pag-ampon. Tuwang-tuwa si Snow noon—hindi lamang dahil magkakaroon na siya ng pamilya, kundi dahil alam niyang sa wakas ay mapapagamot na ang best friend niya.Ngayong araw sila ihahatid dito ni Sister Felicia. Mananatili sila rito hanggang bukas ng hapon bago bumalik sa ampunan. Iyan ang napagkasunduan naming routine habang ongoing pa ang proseso ng adoption. Kahit hindi pa naaprubahan ang mga papeles namin sa DSWD, abot-abot na ang pananabik ko simula pa kaninang umaga.Narinig ko ang mga yabang ni

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 2

    Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 1

    "Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 4

    Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 3

    Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status