Nang matapos ang huling bilang ng mga pagtatanghal at ang pamamahagi ng mga damit, laruan, at iba pang kagamitan sa bawat bata, unti-unti nang humupa ang masayang sistema sa loob ng multi-purpose hall. Ang mga bata, kabilang na si Snow at ang kaibigan nitong si Kendra, ay masayang nag-unahan pabalik sa kani-kanilang mga silid bitbit ang mga natanggap na regalo. Bakas sa kanilang mga mukha ang walang-kahalong kagalakan.Ang naiwan na lamang ay ang pamilya Santibañez, kasama sina Father Dan, Sister Roxana, at Sister Felicia na tahimik ding nagliligpit ng ilang natitirang kahon.Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Tyler sa aking kamay. Lumingon ako sa kaniya, at tumango siya na para bang ibinibigay sa akin ang buong kalayaang magsalita. Huminga ako nang malalim bago tuluyang humarap sa grupo nina Father Dan."Father Dan, Sister Roxana, Sister Felicia," tawag ko sa kanilang atensyon habang marahang lumalapit sa gawi nila.Napatigil ang tatlo sa kanilang ginagawa at sabay-sabay na lumin
続きを読む