Nakahain sa mahabang hapagkainan ang iba't ibang uri ng masasarap na pagkain, ngunit walang gustong kumain sa amin. Nakatingin lang kami sa kani-kanilang plato. Ni walang gustong humawak ng kubyertos.Nilagyan ni Tyler ng beef backribs ang plato ko at maingat akong tinabihan. "Kahit kaunti lang, Sophia. Kailangan mong kumain.""Tama si Tyler, Sophia. Kumain ka. Hindi makakabuti sa kalusugan mo ang pagpalipas ng kain. Baka mabinat ka niyan at magkasakit," segunda naman ng ina ni Tyler.Hindi ko ginawad ang tingin ko sa plato. Nakatulala lang ako sa baso ng tubig sa aking harapan. Ilang minuto akong walang kaimik-imik bago kusang patak ng patak ang luha ko. Akala ko noong manganganak ako, iyon na ang pinakamasakit na pakiramdam. Hindi pala. Mas masakit palang mawalay sa sarili mong anak nang hindi mo man lang alam kung nakakakain ba siya, kung umiiyak siya, o kung ligtas pa ba siya sa kamay ng isang baliw.Hindi ko alam kung bakit ipinaparanas ng Diyos sa akin ang ganitong pagdurusa. Ga
続きを読む