Pagod na pagod ako pagkapasok sa mansion. Ang tanging nasa isip ko lang ay tanggalin ang mabigat na gown na 'to, mag-shower ng matagal, at matulog sa malambot kong kama. Dire-diretso ang lakad ko paakyat, pero bago pa ako makarating sa tapat ng pinto ko, hinarang na ako ni Elena, ang head maid ng mga De Cartier."Ma'am Savannah, sandali lang po," hila niya sa atensyon ko."Yes, Nay Elena? Pa-open naman ng room ko, please. Literal na hihimatayin na ako sa pagod," sabi ko habang hinihilot ang batok ko.Nag-alinlangan ang mukha ni Elena. "Ma'am, wala na po ang mga gamit niyo riyan. Inilipat na po namin lahat sa Kwarto ni Sir Sebastian kaninang umaga pag punta niyo po sa simbahan."Napatigil ako. "Wait, what? Kaninang umaga? Bakit? Sino ang nag-utos?""Si Sir Sebastian po, Ma'am. Sabi niya po ay doon na kayo direkta pagkatapos ng reception," magalang na sagot niya.Umakyat ang dugo ko sa ulo. Kahit hangover pa ako at pagod, uminit bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni
Leer más