LOGINHello! I’m a new small author building my voice from scratch. This is where I share my rawest thoughts and wildest imaginations. Welcome, beloved readers! 📖✨ Your support means the world to me. So far, what is your favorite scene or lines? I’d love to hear what resonated with you! Share it below! 🙂 -MIYAAAW69 😘
SAVANNAHPagpasok pa lang ng sasakyan namin sa malawak na gate ng De Cartier mansion, ramdam ko agad ang kaibahan ng atmospera. Kung noong mga nakaraang buwan ay mabigat at puro tensyon ang dala ng lugar na 'to, ngayon ay tila gumaan ang paligid. Pagkababa pa lang namin ni Sebastian, sinalubong na agad kami ng mga kasambahay at tauhan sa mansyon. Bakas sa mga mukha nila ang tunay na galak nang makita akong muli."Welcome back po, Ma'am Savannah! Naku, napanood po namin kayo sa balita kanina, ang galing niyo po!" masayang bati ni Manang Elena, ang pinuno ng mga kasambahay.Ngumiti ako nang tapat at hinawakan ang kamay niya. "Salamat, Manang. Namiss ko rin kayong lahat dito."Artista man ako sa harap ng camera at kilalang mataray kung minsan ng media, ni kailanman ay hindi ako naging malupit sa mga nagtatrabaho sa amin. I always treated them with respect, dahil alam kong sila ang tunay na nag-aalaga sa tahanang ito. Nakita ko pa ang palihim na pagpupunas ng luha ng ilan sa mga nakababat
SAVANNAHMatapos ang halos apat na buwang katahimikan sa loob ng penthouse, dumating din ang araw na kailangan naming humarap sa totoong mundo. Sa sandaling bumukas ang elevator ng building patungo sa underground parking, ramdam ko ang biglang pagbago ng hangin. Wala na ang kalmado at tahimik na uniberso na binuo namin ni Sebastian sa itaas. Pag-apak pa lang namin sa labas, ang nag-aabang na reyalidad na ang sumalubong sa amin.Sumasabay si Sebastian sa bawat hakbang ko, ang kaniyang kamay ay protektadong nakahawak sa ibaba ng likod ko habang papalapit kami sa nakaparkeng sasakyan kung saan naghihintay si Marcus at Gina."Are you ready, sweetheart?" mababa at seryoso niyang tanong habang pinagbubuksan ako ng pinto.Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang maliit. "I'm born ready, Sebastian. Sila ang hindi handa sa pagbabalik ko."Sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Ngayong araw ang opisyal na pagbabalik namin sa trabaho. Si Sebastian ay dideretso sa main office ng De Cartier matap
SEBASTIANIn the past few months that we stayed together in this penthouse, everything changed. I got to know the real Savannah—the side of her that the camera never saw. For the rest of the world, she was the flawless Diamond Sweetheart, always acting perfect, poised, and calculated in front of every lens. She was a public property, managed and curated to fit an industry standard. But inside these walls? She was completely different. Here, she didn't have to carry the weight of being the country’s top actress. She was just a woman trying to find her own breath, and I was more than willing to give her the space to do so.I saw a Savannah who was incredibly lovable. A Savannah who was cute, clumsy, and loved acting like a baby around me whenever she wanted something.Minsan, kapag nagluluto ako sa kusina, bigla na lang siyang susulpot sa likod ko para yumakap, isisiksik ang mukha niya sa likod ko habang bumubulong na gutom na siya. She would pout her lips when I teased her about her mov
SAVANNAHNinamnam ko pa nang husto ang tamis ng pagkatuwa ko sa ngitngit na inis ni Isabella dahil sa trending post kong 'yun. How can she beat a Best Actress who has been dominating the industry for how many years? Nice try, sweetheart. Hahahahaha. Ang sarap sa pakiramdam na sa isang simpleng click lang ng post, niyanig ko ang buong mundo niya nang hindi man lang ako nagpapakapagod.Pero habang abala ako sa pag-i-scroll sa libo-libong nakakatawang comments ng mga netizens, biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, awtomatikong nawala ang ngiti sa aking mga labi.It was Dad.Napatitig ako sa pangalan niya habang patuloy na umiilaw ang screen sa ibabaw ng kama. It has been almost four months since we last talked. Apat na buwan na walang paramdam, walang kahit isang text para alamin kung humihinga pa ba ako pagkatapos ng lahat ng gulo. Walang kumustahan, at ngayon lang ulit siya tumawag matapos kong mag-post sa social media. Nakakatawa na kailangan muna palang may mabulab
SAVANNAHSa mga lumipas na oras at araw namin dito sa penthouse kasama si Sebastian, ngayon ko na lang ulit nahawakan ang phone ko. Parang nakakapanibago na may liwanag na nanggagaling sa screen pagkabukas ko nito. At tulad ng inaasahan, agad na dagsa ang iba't ibang mensahe, notifications, at alerts mula sa mga social media platforms ko.Sari-saring mga posts ang bumungad sa akin na nagsasabing hiwalay na raw kami ni Sebastian. May mga kumalat pang tsismis na kesho nag-file na kami ng annulment, na lumayas na raw ako ng bansa, at may pa-hashtag pa ang mga netizens na #PowerCoupleNoMore.Nairita ako, pero nangingibabaw ang tawa ko habang nag-i-scroll. Hanggang sa may isang post na nakapag-trigger talaga sa akin.Isang post mula kay Isabella.Isang aesthetic photo ng coffee cup sa isang pamilyar na opisina, at may caption na: "It's so nice to be someone's home again."Halos umikot ang mga mata ko sa ka-kornihan ng caption niya. Pagtingin ko sa comments section, punong-puno ito ng mga ta
SAVANNAHMatapos ang makabagbag-damdaming araw na 'yun para sa aming dalawa, pareho kaming nagulantang sa emosyong biglang dumaloy sa amin. Ang mga pader na matagal naming iningatan ay tuluyang gumuho sa isang saglit. Pero ni isa sa amin, walang balak tumanggi o umatras. Hinayaan na lang namin ang oras na lumipas para sa araw na 'yun, hinahayaang tangayin ng agos ang lahat ng takot at pag-aalinlangan.Kinagabihan, magkatabi kami sa loob ng kwarto ko. Ang kwartong ito na naging kanlungan ko sa loob ng maraming taon ng pagiging artista. Itong penthouse na 'to ang pinag-ipunan ko nang husto para lang makalabas sa bahay ng mga magulang ko. Ginawa ko ang lahat para mamuhay nang mag-isa, kahit pa ang kapalit ng kalayaan ko nun para sa bahay na ito ay ang obligasyong ayusin palagi ang trabaho ko—ang maging laging perpekto at malinis na tao sa harap ng maraming tao at ng mga camera. Mabigat ang naging kapalit, pero tiniis ko. At sa loob ng mga taong 'on, ni minsan ay wala akong dinalang lalaki
Ang sikat ng araw sa Maynila ay hindi mukhang bagong simula; para itong parusa. Nagising si Savannah Madrigal na sobrang sakit ng ulo, pero mas masakit ang kaba sa dibdib niya nang maabot niya ang phone niya. Halos manginig ang kamay niya habang tinitingnan ang screen.Sabog ang notifications niya.
Alas-otso ng umaga nang dumarating ang itim na Rolls-Royce sa tapat ng main entrance ng mansyon. Kasalukuyang tinatapos ni Savannah ang kanyang kape habang si Sebastian ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ang bigat ng presensya ng mga parating."Ayusin mo ang mukha mo," sabi ni Seba
Pagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.Museum. Hindi bahay.Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isan
Humarap si Savannah Madrigal sa salamin ng vanity area sa De Cartier Tower. Suot niya ang isang champagne-colored midi dress na simple pero halatang mahal. Ito ang kailangang imahe ngayon—ang "Diamond Sweetheart" na malinis ang pangalan. Pero sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho. "Kaya mo 't







