Naglalaro ang isang mapait na ngisi sa aking mga labi habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Laguna-bound kami para sa taping, at habang mabilis na tumatakbo ang sasakyan, mas mabilis namang tumatakbo ang plano ko sa utak. Akala ba ng Isabella na 'yon, siya lang ang marunong mang-bwisit sa social media? Na siya lang ang pwedeng magpa-trending sa asawa ko? Haha, no way, bruha. Magaling akong aktres, pero mas magaling akong asawa—kahit peke pa 'to.Naalala ko 'yung eksena kanina sa kwarto ni Sebastian. Bago siya pumasok sa banyo pagkatapos nung agresibong halik niya, n*******d na ang pantaas niya. Masyado siyang busy sa sarili niyang pride kaya hindi niya napansin na pasimple ko siyang pinicturan. Hindi 'yung buong mukha, kundi half body lang. Saktong-sakto ang anggulo—braso at abs lang niya ang nakikita, matitigas na muscles na bakat na bakat, basang-basa pa ng kaunting pawis. Ugh, kahit arogante, aminin ko man o hindi, nakakatakam talaga ang katawan nito.Kinuha ko ang
Leer más