Bianca’s Point of View Inayos ko ang bacon sa pan habang tahimik na kinakabahan sa coffee machine sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit parang mas mahirap pa itong harapin kaysa sa mga Montemayor. Kidding aside, pero hindi ako natutuwa sa coffee machine na ‘to dahil hindi ko siya magamit nang maayos. Baka masira ko pa ito. At siguradong malalagot ako kay Sebastian kapag nagkataon. Mukhang ang mahal-mahal pa naman.Geez, wala akong pambayad kapag nasira. “Okay, okay, bacon, huwag kang masusunog, huh,” bulong ko sabay hina ng apoy.Binaliktad ko ang bacon.Ang bango-bango ng amoy. Nakakagutom.Kinuha ko ang bowl na may lamang itlog at sinimulang batihin. “Next is the scrambled eggs.”Pero habang nagbabati ako, napahinto ako.May kakaiba akong naramdaman, para bang may nakatingin sa akin. Tila may nanonood sa bawat galaw ko.Dahan-dahan akong lumingon kung saan ko ramdam na may nakatingin sa akin.At halos mabitawan ko ang bowl na hawak nang makita ko doon si Sebastian. “S-Sebastian
더 보기