"You know, Branded din naman ang karamihan sa mga gamit ko, pero hindi kasing mahal ng mga binili mo." Paliwanag ko, sana hindi niya masamain ang sinasabi ko. Kaya ko rin naman bumili ng damit na babagay sa mga events pero hindi yung kasing mahal ng binili niya na nasa 200k-500k ang halaga. Ayoko lang abusuhin siya, ang laki na ng ginawa niya sa para sa akin. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Geez, galit kaya siya? Pagkatapos ay nakita kong bahagyang gumalaw ang sulok ng labi niya."Don't worry about the price." Simple niyang sagot. Jusko, hindi niya ako na-gegets, para sa kanya, hindi iyon mahalagang bagay. Kayang kaya niya kasing kitain ang lahat ng nagastos niya. Normal lang sa kanya ang ganon bagay, At iyon ang mas lalong nagpaalala sa akin kung gaano kalaki ang agwat ng mundong ginagalawan namin.Ako at si Sebastian. Isa siya sa mga elite dito sa pinas, habang ako isang simpleng midle class lang. Magkaibang-magkaiba.Napayuko ako. Hindi ko na alam kung ano pa
Baca selengkapnya