Parang nanatiling nakabitin sa hangin ang sinabi ni Eloise.“Akala mo ba talaga tatanggapin ko ‘tong sitwasyon na ‘to, Locklan?”Tinitigan siya ni Locklan nang ilang segundo, pero parang mas matagal pa iyon kaysa sa totoo. Nakahawak pa rin siya sa braso ni Eloise, mainit, mahigpit, parang pinipigilan siyang umalis. Nakaigting ang panga niya, bahagyang gumagalaw ang muscle, senyales na pinipilit niyang kontrolin ang sarili.Bumaba ang tingin ni Eloise sa kamay nitong nakahawak sa kanya, saka muling umangat sa mukha nito. Nagsalita si Locklan, mababa ang boses, diretso, walang puwang para sa pagtutol.“Sa kwarto tayo mag-usap.”Walang lambing sa tono. Hindi iyon pakiusap. Utos iyon.Napatawa si Eloise nang maiksi, isang tawang mas galing sa sakit kaysa sa saya.“Ano bang problema kung dito tayo mag-usap, Locklan?” balik niya, tinaas ang baba, nagliliyab ang mata sa galit. “Kilala ka ng pamilya mo. Wala ka namang tinatago, di ba?”Bahagyang humigpit ang hinlalaki ni Locklan sa bra
Read more