Itinaas ni Alejandro ang dalawang kamay, kunwari sumusuko, pilit tinatago ang ngiti.“Wala naman,” sagot niya, pilit nagpapaseryoso kahit may halong biro pa rin ang boses. “It’s just that… hindi ko naisip na makikita kitang ganito, totally wrecked dahil sa isang babae.” Saglit siyang tumigil, nakatingin nang diretso kay Locklan. “At sinabi ko na sa 'yo dati pa, darating din yung araw na ‘to.”Bahagyang lumiit ang mga mata ni Locklan.“Hindi ko alam kung bakit ko pa ‘to sinabi sa 'yo,” sagot niya, mababa at walang emosyon.“Because you needed to vent,” simpleng sagot ni Alejandro, sabay kibit-balikat. “At kasi, deep inside, you trust me.” Tumigil siya sandali. “Pero ngayon, gusto ko malaman kung ano talaga ang ginawa niya sa 'yo.”Napabuntong-hininga si Locklan, mabigat, saka nagsimulang magkwento. Mabilis ang pagsasalita niya, pero nakakuyom ang mga kamao, parang pilit hinuhugot ang bawat salita mula sa loob.Tahimik na nakinig si Alejandro, paminsan-minsan napapalaki ang mata
Read more