Mahinang natawa si Eloise, medyo alanganin. Mabilis ang tibok ng puso niya. Ramdam niya ang init na umaakyat sa mukha, at ang kaba na unti-unting kumakalat sa katawan niya. Naging masyado siyang totoo sa sinabi niya, at sa isang sandali, natakot siyang baka mahalata ni Daphne na peke lang ang kasal nila.Napayuko siya sandali, saka inayos ang tono ng boses para maging normal.“Ganun siya… pero iba,” paliwanag niya, maingat pinipili ang salita. “Nag-away kasi kami, tapos akala niya madadala niya ako sa pagiging… well, you know, sweet na may halong kalokohan. naiintindihan mo?”Napatawa si Daphne, umiling.“Ah, okay,” sabi niya, natatawa. “Kinabahan ako ha. Akala ko kung ano na. Para kasing ang dating, hindi ka niya tinatrato nang maayos.” Sumandal siya kay Eloise at kumindat. “May mga flaws ang kuya ko, aminado ako. Pero mahal ka niya, that’s for sure. At kapag si Locklan ang nagmahal… grabe, ang hirap niya i-handle.” Ngumiti siya nang may halong biro. “Trust me.”Lumapit siya nang
Read more