-Ava-“I’m sorry, dad. But I don’t think makakasama kami ni Ada sa inyo. Marami pa akong tatapusin sa office. ANg daming pipirmahan na mga papeles.” sagot ni Daniel na hinigpitan pang lalo ang kapit sa akin. “Besides, pupunta si Ada sa school ngayon.”“Really?” paismid na sumabat si Chantal sa usapan. “Kailan ka pa naging interesado sa school, Ada? As far as I remember, you don’t give a damn about your grades. Ang dami mong bagsak last year dahil hindi ka naman pumapasok, di ba?”“Chantal!” agad naman siyang sinaway ni Mr. Harrison. “Watch your mouth! Nasa harap ka ng pagkain!”Wala silang ideya na mag-eenrol pa lang ako, at wala din akong alam sa sinasabi ni Chantal. Ibig sabihin ba nito, hindi sineseryoso ni Ada ang pag-aaral niya?So, tama lang pala ang desisyon kong sundin si Daniel. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para maipamukha sa pamilya ng tatay ko na may isang bagay na nakalalamang ako kay Ada.Kung susumahin, maraming bagay ang lamang ko kay Ada, at mas dadami pa kapag na
閱讀更多