-Ava-Habang nagkukuwento siya, napansin kong kusang sumilay ang isang banayad na ngiti sa kanyang mga labi. Parang muli niyang nakikita ang dalagang Ursula. Masayahin, mabait, at punong-puno ng pangarap. Isang alaalang kahit kailan ay hindi nabura sa kanyang puso.“Isang araw, habang pauwi si Ursula galing sa unibersidad, may isang grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa kanya.” Biglang tumigas ang ekspresyon ni Tiyo Frederick nang maalala ang pangyayaring iyon. “Lasing ang mga iyon. Halatang may masama silang balak. Nagbibitiw sila ng mga bastos na salita at pilit siyang pinaliligiran.Natakot ako na baka may mangyari sa kanya. Hindi na ako nag-isip. Tumakbo agad ako para iligtas siya.”Napansin kong bahagya siyang natulala.“Sa kabutihang-palad, napaalis ko ang mga lalaki bago pa nila siya magawang saktan. Labis ang pasasalamat ni Ursula sa akin, at hindi nagtagal, kinausap niya ang kanyang mga magulang at hiniling na kunin nila akong bodyguard at driver niya.”Napapailing siya hab
Read more