-Ava-“Ava, please...” Mahina niyang binigkas ang pangalan ko, at hindi ko alam kugn bakit bigla akong kinabahan. “Mula noong una kitang makita hanggang ngayon, hindi ka na nawala sa isip ko. Hindi ako mapakali sa tuwing hindi kita nakikita.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano bang sinasabi niya? Magtatapat na ba siya ng nararamdaman niya sa akin?“Daniel, please…” huwag naman sana. Baka hindi ko kayanin. “Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo.”Pero hindi niya pinansin ang sinasabi ko.“Sa tingin mo ba...” bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.“Kakayanin kong panoorin kang maging asawa ni Marcus?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Actually, ayaw kong paniwalaan ito.Bahagya siyang yumuko at saka bumulong sa tenga ko. “Mas gwapo ako kaysa sa kanya, hindi ba? Mas matangkad, mas successful, at higit sa lahat, ako ang unang lalake sa buhay mo.”Marahan niyang hinawakan ang aking baba gamit ang dalawang daliri at saka it
اقرأ المزيد