-Ava-“They’re all gone…” nakangiting sambit ni Daniel, at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at dinala ito sa kanyang mga labi. Ngunit mabilis ko itong binawi pagkatapos niyang mahalikan.“Daniel, hindi pa tapos ang problema mo,” mahinahon kong sabi bago ako napabuntong-hininga.Alam kong hindi basta-basta susuko sina Kardo at Tanya. Hindi sila mga taong tatanggap na lang ng pagkatalo, lalo na kung ang anak nila ang nasangkot. Kahit alam nilang sila ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari, sigurado akong hahanap sila ng paraan para baliktarin ang sitwasyon.“I’ll fix it, baby,” malumanay niyang sambit habang nakatitig sa akin. “I promise... I'll fix everything.”Pagkatapos ay akmang yayakapin niya ako, pero agad akong umatras.Nasa bahay pa rin kami ng mga magulang niya. Ayokong may makakita sa amin sa ganitong sitwasyon, lalo na ngayong ako ang itinuturo nilang dahilan kung bakit nag-file siya ng annulment kay Ada.Hindi man lang siya nagtampo nang umiwas ako. Sa halip ay ng
Baca selengkapnya