-Ava-“Ava!” lumapit sa akin si Ada at mula sa likod ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga sandaling iyon, pero isa lang ang sigurado ako. Kahit nagkukunwari lang siya, masaya ako. “Ada, what are you doing here?” matalim ang tinging ipinukol ni Daniel sa kanya.“I’m just worried na baka hindi sanay si Ava sa ganitong lugar… I mean, alam naman nating lahat kung saan siya nagmula, hindi ba?” kagat-labing sagot ni Ada. “So nandito ako para iguide sana siya. And one more thing. Ang sabi mo sa akin kagabi, umuwi muna ako at magkikita naman tayo ngayon, so I’m here now.”“Hi guys!” naputol ang sinasabi ni Ada nang biglang pumasok sa dining room si Chantal, pero agad na natigilan nang makita si Ada. Nakataas ang kilay na pinasadahan niya ito ng tingin mulo ulo hanggang paa habang nakatiklop ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.Hindi naman nagpatalo si Chantal sa outfit dahil kahit nasa bahay lang, nakasuot siya ng tube dress na kulay puti at hanggang
اقرأ المزيد