-Ava-Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko nakita ang dalawang ito noong nakaraang linggo kaya sa hinuha ko’y ngayon lang sila pumasok pagkatapos lumiban sa klase ng isang liggo, tapos nag-eeskandalo na kaagad? Ah… mga tamad din silang pumasok kagaya ni Ada. Pangalawang linggo na ng pasukan, pero ngayon lang sila nagpakita? At si Ada, hindi ko nakita noong isang linggo, at wala din ngayon. Ang alam ko, magkaklase kami sa ilang subject, pero may mga inulit siya dahil bagsak siya dito noong nakaraang taon.Paanong hindi babagsak eh tamad ngang pumasok at malamang hindi din nag-aaral dahil sabi nga ng mommy niya kuno, hindi na niya kailangang mag-aral dahil may pera naman sila.Hindi ko pinansin ang dalawang epal at pilit na nagpapapansin sa akin. Wala akong pakialam sa kanila."Alam mo," singit naman ng kasama niyang babae, at hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. Ayaw pa rin talaga nilang tumigil kahit hindi ko an sila pinapansin. "Kung ako ang kapatid mo, m
Baca selengkapnya