-Ava-Kung tutuusin, mas gugustuhin ko pang kumain nang mag-isa kaysa makisalo sa hapag na ito.Maya-maya ay nagsimula nang maghain ng alak ang mga katulong, kabilang si Cinderella. Samantala, abala naman sina Ricardo at Daniel sa pag-uusap tungkol sa negosyo.Hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila, kaya matapos ang ilang subo ay dahan-dahan akong tumayo. “Excuse me.”“Saan ka pupunta, iha?” agad na tanong ni Tanya.Napalingon sa akin ang lahat ng tao sa hapag, na para bang hinihintay nila ang magiging sagot ko.“Pupunta lang muna ako sa kwarto ko para magpahinga,” seryoso kong sagot. “Medyo napagod kasi ako sa school.”Akala ko ay wala nang magiging problema. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo, napansin kong biglang tumayo si Ada at mabilis na lumapit sa akin.“May sasabihin lang ako sa kapatid ko,” sabi niya.Napansin kong napatingin sa akin si Daniel na tila nag-aalala. Nagkibit-balikat lamang ako. Nagkunwari akong walang pakialam sa anumang sasabihin sa akin ni Ada.Magkas
Read more