-Ada-Napangiti ako habang isa-isang ibinubutones ang blouse ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa kabilang bahagi ng kama. Si Buknoy. Wala siyang kamalay-malay sa tunay na pagkatao ko. Hindi niya alam na hindi ako si Ava, at iyon ang pinakamasarap na bahagi ng lahat ng ito.Hindi niya nahalatang hindi ako ang babaeng pinakamamahal niya. Ibig sabihin, handa na ako sa mga plano ko.Ang dami kong isinakripisyo, kaya dapat lang na magbunga ang lahat ng ito. Namuhay ako sa isla, nagpatattoo ako, nagshopping ako ng mga damit na kagaya ng style ni Ava, at ginaya ko ang lahat ng mga kilos niya. Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. Agad ko itong kinuha at tiningnan ang screen.Isang mensahe mula kay Alvin. “Welcome back, sister.”Lalong lumawak ang ngiti ko. Sa wakas. Pagkatapos ng lahat ng paghihintay, pagpaplano, at paghahanda, nakabalik na rin ako.Tahimik akong lumabas ng kuwarto ni Buknoy at marahang isinara ang pinto sa l
اقرأ المزيد