-Ava-Matiyaga akong inalagaan ni Daniel habang nasa ospital ako. Halos lahat ng nurse ay inggit na inggit sa akin dahil ngayon lang daw sila nakakita ng asawang ganoon kaalaga at ka-maalalahanin, lalo na’t abala pa ito sa kanyang trabaho bilang CEO ng malaking kumpanya.Pero sa totoo lang, hindi ako lubusang natutuwa. Sa halip, lalo akong kinakabahan. O mas tamang sabihing natatakot. Natatakot ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi, habang inaalagaan niya ako, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.At iyon ang bagay na pinakaayaw kong mangyari.Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ako puwedeng magpokus sa pag-ibig. Marami pa akong kailangang ayusin. Hindi pa tapos ang lahat. Hindi ko pa nakakamit ang paghihiganti ko kina Ricardo. At higit sa lahat, ayokong maulit sa akin ang sinapit ng inay.Nang mahalin niya si Ricardo, ibinigay niya rito ang buong puso niya. Minahal niya ito nang walang pag-aalinlangan, hanggang sa tuluyang masaktan at maubos ang sarili niya. At sa huli, namatay
Read more