-Ada-“Ada, makinig kang mabuti sa akin.” Muli akong hinarap ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. “Kung gusto mo talagang gayahin si Ava, kailangan mong pag-aralan ang lahat tungkol sa kanya. Hindi lang ang buhok at pananamit. Pati ang paraan ng paglalakad niya, pagkilos, pagsasalita, pagkain, pakikitungo sa ibang tao at maging ang maliliit niyang mga gawi.”Tahimik akong nakatingin sa kanya.“Hindi basta-basta ang panggagaya sa isang tao,” dagdag niya. “Kailangan mong malaman ang bawat detalye tungkol sa kanya. Pati ang mga marka sa katawan niya, kailangan mong matutunang gayahin.”Doon ko tuluyang naintindihan ang gusto niyang sabihin. Kailangan kong maging si Ava. Hindi lang sa panlabas na anyo, kundi sa lahat ng posibleng paraan.Kung gusto kong maagaw muli si Daniel, kailangan kong gawin ang lahat para hindi na niya makita ang kaibahan namin.Huminga ako nang malalim bago tumango. “Okay, Mommy.”Tumingin ako kina Mommy at Daddy.“Bukas na bukas din, aalis ako papuntang Cebu. Aalam
Read more