-Ava-“Limampung milyong piso?” Nakataas ang kilay na tumingin ako sa biyenan kong babae, saka muling ibinaling ang tingin ko sa tsekeng nasa harapan ko. “Ang bait naman po ninyo, Mommy. Napakalaki naman po nito.”“Kaya ka lang pinakasalan ng anak ko dahil kamukha mo si Ada!” galit na sigaw niya. “Ano ba talaga ang inaasahan mo? Na magtatagal ang relasyon ninyo? Sa tingin mo ba, nababagay ka sa pamilya namin? Never!”Huminto siya sandali, pero mukhang hindi pa nauubos ang mga masasakit na salitang nais niyang ibato sa akin.“Masama ang reputasyon mo, at hindi ka kaaya-ayang iharap sa publiko! Sa madaling salita, ikinahihiya ka ng anak ko at ng buong pamilya ko sa tuwing nakikita ka ng ibang tao!”Sinuklian ko lamang siya ng isang mapanuyang ngiti. Wala akong balak makipagtalo sa kanya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa tsekeng nasa kamay ko at saka ko ito inilapag sa mesa.“Lumaki ang anak kong napakaguwapo at kaakit-akit na lalaki,” pagpapatuloy niya, at tila ba lalo p
Read more