-Chantal-Pagkagaling ko sa school, nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil puputok na ang pantog ko. Dinaanan ko lang at hindi pinansin ang mga maid na binati ako na busy-busyhan sa kanilang mga ginagawa.Didiretso sana ako sa taas, sa kwarto ko pero ihing-ihi na talaga ako kaya naman inilapag ko muna ang school bag ko sa sofa at saka dumiretso sa cr malapit sa kusina.Pagkatapos umihi, naghugas muna ako ng kamay, at nang lumabas ako, nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na bulto na nakatayo sa harap ng ref. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Di ba nasa Amerika siya at nag-aaral ng medicine? Ah… baka naka-graduate na.Nahigit ko ang aking hininga nang makitang umiinom siya ng tubig, at may kaunting umalpas mula sa bibig niya, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang flat na tiyan, pababa sa loob ng suot nitong shorts.Wala siyang suot na pantaas, kaya kitang-kita ko ang six-pack abs niya. The sight of his bare, tanned torso made my eyes widen in surprise. May abs
더 보기