-Chantal-Pag-uwi ko nang araw na iyon, hindi ko na nagawang lumabas pa ng aking silid. Isinara ko ang pinto, hinila ang mga kurtina, at ibinagsak ang katawan sa kama habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Hindi ko sinagot ang mga tawag at mensahe ng mga kaibigan ko. Hindi ko rin pinapasok ang sinumang kumakatok sa pinto ko.For almost a week, I shut myself away from the world.Ayokong makita ang mukha ko sa salamin. Ayokong maalala ang nangyari sa award ceremony. At higit sa lahat, ayokong marinig ang mga taong maaaring pagtawanan ako dahil sa ginawa ko.Sa loob ng maraming taon, nasanay akong maging sentro ng atensyon. Nasanay akong hangaan, sundin, at katakutan ng mga tao.Pero ngayon, lahat ng iyon ay nawala. At hindi ko alam kung paano magsisimula ulit.Makalipas ang ilang araw, nagpasya akong lumipat ng school.Ayoko nang manatili sa lugar kung saan araw-araw kong maaalala ang kahihiyang dinanas ko. Ayoko nang makita ang mga taong nakasaksi sa pagbagsak ko, at ayoko nang m
더 보기