Zamira Rios POV Nang sumapit ang kinabukasan, ang sikat ng araw na pumasok sa malawak na bintana ay nagdala ng kakaibang liwanag sa aming silid. Ang nagbabagang gabi ng aming p********k ay dahan-dahan nang napawi, napalitan ng isang napakatahimik na paligid kung saan ang tanging nariruno ay ang marahang paghinga naming dalawa. Sa unang pagkakataon matapos ang madugong paghaharap sa boardroom, nagising akong magaan ang pakiramdam, walang mabigat na kaba sa aking dibdib at walang takot sa kung ano ang maaaring gawin nina Alfonso. Nakatayo si Santi sa harap ng malaking salamin, dahan-dahang isinusuot ang isang puting polo habang nakatalikod sa aking pwesto. Ang kanyang malalapad na balikat at matikas na tindig ay naroon pa rin, ngunit ang kanyang awra ay wala nang dalang pader ng yelo. Humiga ako nang patagilid, nakatukod ang aking siko sa unan habang pinapanood ang bawat galaw niya. "You're finally awake, wife," basag niya sa katahimikan nang mapansin ang aking paggalaw sa salamin. D
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-11 อ่านเพิ่มเติม