Zamira Rios POV Kinabukasan, mas malinaw ang lahat at iyon ang pinakamasakit. Hindi dahil may nagbago, kundi dahil wala. Ganun pa rin ang pakiramdam, ganun pa rin ang bigat sa dibdib ko, at kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na baka kaya ko pang ayusin, baka kaya ko pang intindihin, paulit-ulit lang akong binabalik ng isip ko sa iisang katotohanan na hindi ako ang pinili niya kagabi. At siguro, hindi talaga ako ang pinipili niya kahit kailan. Tahimik akong nakaupo sa kama habang pinapanood si Santi na nagbibihis, abala sa paghahanda para sa emergency meeting niya. Hindi ko alam kung anong mas masakit yung katotohanang parang normal lang ang lahat para sa kanya, o yung katotohanang wala siyang ideya kung ano ang sinira niya sa akin kagabi. Para bang ibang mundo ang ginagalawan niya, at ako lang ang naiwan sa gabing iyon, paulit-ulit na dinadala ang sakit na hindi naman niya kayang alalahanin. “May urgent meeting ako,” sabi niya habang inaayos ang cuff ng polo niya, hin
آخر تحديث : 2026-04-09 اقرأ المزيد