ログイン"Martin, ano bang gagawin mo sa mga ito, bakit ang dami mong ipinamili? Magtatayo ka ba ng sari-sari store? Nangangalay na ang mga muscles ko, e." Angal at reklamo ni Sean. Nasa grocery store sila.
"Hindi ba ang sabi mo ay gusto mong makita ang anak ko? Syempre kung pupunta tayo doon, dapat may mga pasalubong tayong dala, kaya huwag ka nang magreklamo diyan.""Pero yung bata ang pupuntahan natin, diba? E, bakit parang pangkabuhayan showcase itong mga binili natin? Dapat"Ma, huwag kayong maniwala sa nonsense nitong si Sean." Pagbawi ni Martin. "Joke n'ya lang yun, mahilig kasing magbiro ito, e." Inakbayan niya ang kaibigan. " Diba, sean?" "Hump!" Ismid ni Sean at nag-iba ng tingin Napagmasdan ni Roda ang magkaibigan. Pinakiramdaman n'ya kung nagsasabi nga ba ng totoo si Sean ngunit pinagtatakpan lang ni Martin sa kung anong dahilan. Pakiramdam n'ya ay may itinatago nga ang Anak sa kanya na may kinalaman pa rin sa pananatili nito sa Ormoc."By the way, ma, si Sean. Kaibigan ko." Matapos magpakilala at bumati ni Sean ay umalis na rin ito at iniwan ang mag-ina. "Kanina, habang hinahanap ko ang suite ni Mayette ay may nakita akong cute na batang babae... Martin, kailan n'yo ba talaga ako bibigyan ng apo ni Claire? Ilang taon na kayong kasal, ikaw ang lalaki kaya dapat ay ikaw ang magkusa. Hindi pa rin kayo nagkaka-ayos kaya dapat ay sumama ka na sa akin pauwi. At dahil nandito na rin lang ako, isa
Agad tumalikod si Rita para maitago ang kanyang mukha. Pinakinggan na lang n'ya ang mga sinasabi ng dating matapobreng amo: "Ang cute-cute mo naman, baby~ Hayy... sana talaga ay mabigyan na ako nila Claire at martin ng apo, at sana talaga ay maging kasing cute mo s'ya." Sinulyapan ni Rita ang biyenang hilaw at nakita n'ya ang paghimas-himas nito sa mukha ng kanyang anak habang nakatitig naman ang huli sa mga nagkikislapang ginto na suot nito. "Teka, e, nasaan nga ba ang mga magulang mo? Napakapabaya naman nila. Paano kung mawala ka o kaya ay may kumuha na lang sayo dito?" Nang magpalinga-linga si Roda ay tumama ang mga paningin n'ya sa nakatalikod na si Rita. Itinuro ito ni Sophia. "Yon... naynay."(Ayun si nanay) Tinawag ito ni Roda. "Miss!" Nang hindi ito sumagot ay hinawakan n'ya ang kamay ni Sophia at lalapitan sana si Rita. Ngunit nagulat na lang s'ya nang may biglang humila sa kanyang braso. "Mom! Anong ginag
"Rita, ayos ka lang? Ibig bang sabihin hanggang ngayon na tatlo taon na ang nakakalipas ay hindi mo pa rin alam na may amnesia si kuya?"Napailing-iling si Rita. "Kaya pala... kaya pala takang-taka ako sa biglaan niyang pagbabago. Yun pala...""Oo Rita. Kaya nga nagawa yun sa'yo ni kuya, e. Nalaman ko na lang ang nangyari pagbalik ko after two weeks ko sa Bohol. Pagbalik ko ay wala ka na, ang sabi sa akin ni mommy ay umalis ka na raw dahil hindi mo raw matanggap na si ate Claire at pinili ni kuya. Sinasabi ko na nga ba at may gagawing hindi maganda si mommy, kaya pala ipinagtabuyan n'ya ako nung araw na yun sa ospital."Nagsimula nang umiyak si Rita nang marinig n'ya ang sinabi ni Mayette. "Anong ibig mong sabihin na may ginawa ang Mommy mo?" "Rita, bin'rainwash nila mommy at Matina si kuya para sumama ka sa paningin niya. Marami silang sinabi tungkol sayo na hindi magaganda, lahat ng sinabi nila kay kuya ay puro paninira sayo kaya hindi na ako
"Paano yan, Martin, anong gagawin natin?" Pag-aalala ni Rita. "Alam na ba ng mommy mo ang tungkol kay Sophia?" "Hindi. Wala pa siyang alam. Tingin ko ay pupunta lang yun dito para pauwiin ako." "Bakit kasi hindi ka pa bumalik sa inyo?" Sabat ni Anthony. "Bakit kasi isinisiksik mo pa ang sarili mo dito? Tuloy madadamay pa ang ate ko kapag nalaman ng pamilya mo na may anak ka sa kanya." "Anton." Saway ni Rita. Ngunit hindi nagpaawat si Anthony. "Ang sabi ni ate ay matapobre daw ang nanay mo, baka matahin lang n'ya si ate sa pagbibigay sa kanya ng apo. Nakakahiya naman sa kanya. Kung hindi uli magiging maganda ang pagtrato ng pamilya mo sa ate ko, mas maganda siguro kung puputulin mo na rin ang ugnayan mo sa amin." "Anton, tama na. Ano ba?" Nakaramdam ng hiya si Rita dahil sa sinabi ni Anthony na tinawag niyang matapobre ang ina ng dating nobyo. "Um, Martin, ano, yung sinabi ng kapatid ko... Huwag mo na lang pansinin
Tila napipi si Rita at hindi makasagot. Aamin ba s'ya? Ngunit nang maisip na inililihim nga pala nila ni Martin ang tungkol kay Sophia na siyang dahilan ng pananatili nito sa Ormoc, ay agad siyang nagdesisyon ng isasagot sa matapobreng dating amo. "Rita, ikaw ba yan?" Ulit ni Roda.Pinisil ni Rita ang kanyang ilong para magbago ang kanyang boses. "Sorry. Hindi po, ma'am, hindi po ito si Rita. Nagbanyo po si ser Martin, kaya paki hintay na lang po." Matapos niyang putulin ang tawag ay huminga-hinga s'ya nang malalim. Maya-maya pa ay bumalik na rin si Martin. "Pasensya na kung nagtagal ako." Aniya na nahihiya pa."Hindi ka pa ba uuwi?" "Maya-maya na siguro, busog pa kasi ako, e." Sagot ni Martin, pagkatapos ay sinulyapan n'ya ang anak na naglalaro."Ang ibig kong sabihin ay kung hindi ka pa ba uuwi sa Maynila. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" "Hindi ko naman kailangang umuwi agad. Pinadadalhan naman ako ng assis
"Martin, ano bang gagawin mo sa mga ito, bakit ang dami mong ipinamili? Magtatayo ka ba ng sari-sari store? Nangangalay na ang mga muscles ko, e." Angal at reklamo ni Sean. Nasa grocery store sila. "Hindi ba ang sabi mo ay gusto mong makita ang anak ko? Syempre kung pupunta tayo doon, dapat may mga pasalubong tayong dala, kaya huwag ka nang magreklamo diyan." "Pero yung bata ang pupuntahan natin, diba? E, bakit parang pangkabuhayan showcase itong mga binili natin? Dapat mga toys o kaya ay mga sweets ang mga binili mo." "Mas marunong ka pa sa akin? Mahirap daw ang buhay ngayon, diba? Kaya dapat ay praktikal din ang ipapasalubong ko." "Weh, ang sabihin mo ay yung nanay naman talaga ang pupuntahan mo kaya ganito ang mga binili mo. Kunyari ka pa." "Tumigil ka nga diyan, sinabi na ngang wala nang namamagitan sa amin ni Rita, e. Matagal na kaming tapos, at yung bata lang talaga ang pupuntahan ko."Pagkagaling sa supermarke
Taranta nang magpunta sa ospital sila Roda at Matina, ngunit hindi lang dahil sa naaksidenteng si Martin, kung hindi dahil na rin kay Leonora. Nang may magbalita sa kanila tungkol sa nangyari kay Martin ay inatake ang matanda kaya kasama nila ito para isugod sa parehong ospital."D-dad..
"Ano ka ba, Matina, huwag ganyan. Baka umiyak yan at magsumbong pa sa kuya mo. Baka lalong kang ma-bad shot at baka tuluyang masira ang relasyon niyong magkapatid." Kunwaring saway ni Claire.Hindi man halata pero ramdam ni Rita na tila sa kanya isinisi ng babae kung magkaroon man ng lam
"Aba, mukhang nag-enjoy kayo, a. Saan kayo nagpunta? Kayo, ha." Kantiyaw ni Andeng pag-uwi nila martin at Rita. Gusto sana ni Martin na manatili ng tatlong araw sa Tagaytay, ngunit tinutulan ito ni Rita dahil alam nitong may problemang kinakaharap ang kumpanya nila. "Rita, ser
Magbuhat nang araw na iyon ay tila ba palaging may iniisip si Rita. Napansin ito ni Martin dahil medyo madalas na silang nagkakasama, ngunit kapag tatanungin naman n'ya ito ay ngumingiti lamang ito sa kanya. Naisip niya na baka may sinabi ang bunsong kapatid dito nang maiwan ang mga ito sa hardin







